Lady Bulldogs mananakmal para manatili sa No. 2
MANILA, Philippines - Pagsisikapan ng NatioÂnal University na manatili sa pangalawang puwesto bago magbakasyon ang 76th UAAP women’s volleyball sa pagharap sa UST ngayon sa The Arena, San Juan City.
Tampok na laro ito na magsisimula matapos ang unang tagisan sa pagitan ng Ateneo at UE sa ganap na alas-2 ng hapon.
Ang Lady Eagles at Lady Tigresses ay magkaÂsalo sa ikatlong puwesto sa 2-1 baraha kaya’t may posibilidad na magkaroon ng 3-way tie sa pangalawang puwesto kung matalo ang Lady Bulldogs at magwagi ang Ateneo.
Umaasa ang Ateneo na lalabas pa rin ang tikas ni Alyssa Valdez upang kunin ang ikatlong sunod na panalo matapos mabigo sa Lady Bulldogs sa unang asignatura.
Si Valdez ang number two sa talaan sa hanay ng mga scorers ng liga sa 56 hits mula sa 47 kills, dalawang blocks at pitong serve.
Sa kabilang banda, tapusin ang tatlong sunod na pagkatalo ang hanap ng UE upang magkaroon ng magandang pamasko sa sarili.
Ikaapat na panalo sa limang laro ang nakataya sa Lady Bulldogs para dumikit pa sa pahingang nagdedepensang kampeon La Salle na may 4-0 baraha.
Bago ito ay masisilayan muna ang aksyon sa men’s division sa tapatan ng FEU at UE sa ganap na ika-8:30 ng umaga at La Salle kontra UST alas-10.
Ito na ang huling laro sa liga sa taon dahil magpapahinga ang liga upang iselebra at Kapaskuhan.
- Latest