MANILA, Philippines - Ipinakita ni Fil-Am Eric Shawn Cray ang kanyang kalidad habang pinawi nina Earl Yap at Dean Adriano ang kabiguan sa individual compound nang manalo ang mga nabanggit ng ginto sa pagpapatuloy kahapon ng 27th SEA Games sa Nay Phi Taw, Myanmar.
Tinotoo ni Cray ang naunang sinabi na siya ang tatanghaling kampeon sa paboritong men’s 400m hurdles nang ilampaso ang mgan katunggali na sina Andrian Andrian ng Indonesia at 2011 SEAG champion Dao Xuan Cuong ng Vietnam para sa kanyang kauna-unaÂhang ginto sa unang pagÂlahok sa tuwing kada daÂlawang taong kompetisÂyon sa South East Asia.
May 51.29 segundo bilis si Cray para iwanan ng milya-milya sina Andrian at Dao na may mahinang 51.74 at 51.79 segundo sa takbuhan.
Ito ang ikatlong ginto ng Pilipinas sa athletics matapos magtagumpay sina Henry Dagmil sa long jump at Archand Christian Bagsit sa 400-m run.
Sina Yap at Adriano ay nakipagtulungan pa kay Ian Chipeco para hiyain ang Malaysia sa men’s team compound na natapos kahapon.
Nakitaan ng tibay ng pulso ang tatlong archers nang gumawa sila ng perpektong 30 puntos sa huling tatlong pana na binitiwan para kunin ang 221-118 tagumpay sa gold medal bout.
Pambawi ito nina Yap at Adriano na minalas na natalo sa semifinals at naglaban na lamang para sa bronze medal na napagwagian ni Yap sa individual event.
Hindi naman pinalad sina 800m runner Mervin Guarte, mga rowers Roque Abala at Alvin Amposta at si Grandmaster John Paul Gomez nang makontento lamang sa pilak na medalya.
Makinang man ang mga gintong napanalunan, hindi naman ito nakatulong para maalis ang Pilipinas sa ika-pitong puwesto sa overall race sa hawak na 14 ginto, 20 pilak at 24 bronze meÂdals.
Ang Singapore na siyang host sa 28th SEA GaÂmes ang nanatili sa pang-anim na puwesto sa 22 ginto, 20 pilak at 31 bronze medal.
Malayo na ang nagdeÂdepensang kampeon na Thailand sa 64-55-54 habang ang Vietnam ang nasa ikalawang puwesto sa 47-41-52 bago sumunod ang Indonesia (44-56-55), Myanmar (42-39-46) at Malaysian (27-25-46).
Hindi naman malayong umulan uli ng ginto ngayon dahil may panlaban pa ang bansa sa athletics habang magbubukas na rin ang aksyon sa judo at taekwondo na kung saan malakas din ang mga atletang Pinoy.