Meralco nakuryente sa Petron
Laro sa Martes
(Smart Araneta Coliseum)
5:45 p.m. San Mig Coffee vs Barako Bull
8 p.m. Talk ‘N Text vs Rain or Shine
MANILA, Philippines - Dumiretso sa kanilang pang-pitong sunod na paÂnanalasa ang Petron Blaze matapos igupo ang Meralco, 77-73, sa 2013-2014 PBA Philippine Cup kahapon sa Dipolog City Sports Complex.
Humakot si 6-foot-10 June Mar Fajardo ng 12 points, 19 rebounds at 3 shotblocks para sa Boosters sa ilalim ng 17 markers ni Al 16 ni Marcio Lassiter at 14 ni 2013 PBA Most Valuable Player Arwind Santos.
Itinaas ng Petron ang kanilang baraha sa 7-0 kaÂsunod ang Barangay Ginebra (5-1), Rain or Shine (4-2), Globalport (4-3), Talk ‘N Text (3-2), Meralco (3-4), Barako Bull (2-4), Alaska (2-5), San Mig Coffee (1-5) at Air21 (1-6).
Kinuha ng Boosters ang 70-53 abante sa 9:12 ng fourth quarter at hindi na nilingon pa ang Bolts.
Huling nakadikit ang Meralco sa Petron sa 73-77 buhat sa basket ni John Wilson sa natitirang 41 segundo.
Petron 77--Cabagnot 17, Lassiter 16, Santos 14, Fajardo 12, Kramer 7, Ross 6, Lanete 3, Lutz 2.
Meralco 73--Wilson 16, David 16, Hugnatan 13, Al-Hussaini 13, Dillinger 8, Cortez 3, Caram 2, Sena 2, Allado 0, Timberlake 0, Guevarra 0, Salvacion 0.
Quarterscores: 17-18;34-37; 64-53; 77-73.
- Latest