Laro Ngayon
(Dipolog City)
3:30 p.m. Meralco
vs Petron
MANILA, Philippines - Nasustina ng Globalport ang malakas na pagÂlalaro upang kunin ang ikatlong sunod na panalo sa Alaska Aces, 94-84, sa PLDT MyDSL PBA Philippine Cup elimination kagabi sa SMART Araneta Coliseum.
Lumayo ng hanggang 21 puntos ang Batang Pier bago tinapatan ang maÂlakas na pagtatapos ng Aces para ipatikim sa katunggali ang ikalawang sunod na pagkatalo tungo sa 2-5 baraha.
“We were able to sustain our runs in the second half because we were able to hit big shots and execute very well down the stretch,†ani rookie coach Ritchie Ticzon.
Ang beteranong si Sol Mercado ay gumawa ng 26 puntos pero hindi nagpahuli ang mga mahuhusay na rookies na sina Terrence Romeo at RR Garcia para umangat sa 4-3 karta ang Batang Pier.
Si Romeo ay mayroong 21 puntos habang ang kasamahan niya sa FEU na si Garcia ay may 13, kasama ang mahalagang tres na nagpalamig sa rally ng Aces na dumikit sa 10, 85-75.
Naniniwala pa si Ticzon na may ilalabas pa ang batang koponan na pag-aari ni Mikee Romero.
“We don’t look at the record. We just want to play hard in all our games. We want to work hard and the wins will come to us,†ani pa ni Ticzon na humugot pa ng pinagsamang 23 puntos kina Anthony Washington at Mark Yee.
Tumapos sii Jayvee Casio ng 28 puntos habang sina Sonny Thoss at Carlo Jazul ay naghatid pa ng 13 at 10 puntos para sa Aces.
Ngunit ramdam nila ang ‘di paglalaro ni Calvin Abueva bunga ng sprained ankle, nang kapusin ang paghahabol na ginawa ng koponan upang lasapin ang kabiguan. (ATan)
Globalport 94 - Mercado 26, Romeo 21, Washington 13, Garcia 13, Yee 10, Chua 3, Hayes 3, Lingganay 2, Nabong 2, Menk 1, Salva 0, Salvador 0.
Alaska 84 - Casio 28, Thoss 13, Jazul 10, Espinas 9, Baguio 8, Ramos 7, Exciminiano 6, Buenafe 3, Belasco 0, Dela Cruz 0, Hontiveros 0, Eman 0.
Quarterscores: 27-20, 55-35, 77-58, 94-84.