BOSTON--Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagbalik si head coach Doc Rivers sa Boston.
Iginiya ni Rivers ang kanyang bagong koponang Los Angeles Clippers sa 96-88 tagumpay laban sa dati niyang tropang Celtics.
Umiskor si Jamal Crawford ng 11 sa kanyang 21 points sa fourth quarter para sa pagbangon ng Clippers kontra sa Celtics.
Si Rivers ang naging mentor ng Celtics sa isang 416-305 regular-season record sa loob ng siyam na taon at nag-akay sa Boston sa ika-17th championship sa club history noong 2008.
“This is just such a classy place,†sabi ng naluluhang si Rivers.
Pinalakpakan siya ng mga Boston fans bago magÂsimula ang laro at nang ipakita ng Celtics ang isang video tribute para sa kanya matapos ang first quarter.
Umiskor naman si point guard Chris Paul ng 22 points bukod pa sa hinakot na 9 assists at 7 rebounds para sa Clippers, habang nagdagdag si Blake Griffin ng 18 points.
Naglista naman si reserve forward Antawn Jamison ng isang career milestone matapos ipasok ang kanyang three-pointer sa second quarter para sa kanyang 20,000 career points.
Sa Huwebes ay makakatapat naman ni Rivers ang mga dati niyang plaÂyers sa Celtics na sina KeÂvin Garnett at Paul Pierce na naglalaro ngayon para sa Brooklyn Nets.
Sa Oakland, Cali., nagsalpak si Stephen Curry ng jumper sa huling 3 segundo upang itakas ang Golden State Warriors sa 95-93 panalo laban sa Dallas Mavericks.
Sa iba pang laro, nanalo ang New York Knicks sa Chicago Bulls, 83-78; hiniya ng Minnesota Timberwolves ang Philadelphia 76ers, 106-99; nanaig ang Utah Jazz sa Sacramento Kings, 122-101; iginupo ng Oklahoma City Thunder ang Memphis Grizzlies, 116-100; tinalo ng New Orleans Pelicans ang Detroit Pistons, 111-106 sa overtime; tinambakan ng San Antonio Spurs ang Milwaukee Bucks 109-77 at namayani ang Orlando Magic sa Charlotte Bobcats, 92-83.