NAYPYITAW -- Handa ang mga Filipino paddlers na magbigay ng karangalan sa bansa sa kanilang paglahok sa canoeing competitions ng 27th Southeast Asian Games ngayong araw sa Ngalike Dam.
Ito ang unang SEA Games ni Hermie Macaranas na lalahok sa C1 men’s 200m, 500m at 1000m, habang saÂsabak sa ikalawang pagkakataon si Alex Generalo sa K1 men’s 200m.
Sa kanilang impresibong pagpapakita sa Philippine NaÂtional Games, nakapasa sina Macaranas at Generalo bilang mga token delegates sa kompetisyong inaasahang doÂdominahin ng host country.
Pinalaki ng organizers ang bilang ng events sa 16 para bigyan ng malaking tsansa ang mga host athletes para sa overall crown.