PAF, UP kumakasa pa

MANILA, Philippines - Gumawa ng apat na runs ang Philippine Air Force sa fifth inning para kunin ang 6-2 panalo sa Rizal Technological University (RTU) habang inilampaso ng UP ang La Salle Zobel, 17-0, sa pagpapatuloy kahapon ng 1st PSC Chairman’s Cup Baseball Classic sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Sina Jerry Estanislao at Edmer del Socorro ang nagbukas sa inning bitbit ang magkasunod na double habang kinapitalisa pa ng Airmen ang isang fielding error para makapasok pa ng dalawang runs upang basagin ang 2-2 tablang iskor matapos ang dalawang kumpletong inning.

Sinakyan din ng 2013 PNG silver medalist PAF ang husay ng pagpukol ng reliever na si Jon Jon Robles nang na-hold niya ang RTU sa huling 3 2/3 innings.

Ang mga panalong ito ng dalawang koponan ay nagpasok sa kanila sa Last Four sa loser’s bracket upang maging palaban pa sa titulo at P50,000.00 gantimpala.

 

Show comments