Tuloy ang gulo sa PABA, election ipinagpaliban

MANILA, Philippines - Ang pagkawala ni dating PABA president Hector Navasero ay nagresulta upang magkaroon ng paksyon sa nasabing organisasyon.

Si Tom Navasero, ang secretary-general at anak ng nasirang Navasero, at si Marty Ezmendi ang nasa isang kampo habang ang nasa kabila ay si PABA VP Ely Baradas at hindi sila magkasundo sa landas na tatahakin ng samahan.

Isang eleksyon ang balak gawin ni Baradas sa Disyembre 5 bagay na hindi umano awtorisado ayon kay Navasero.

“The said election has been postponed and what will happen is a PABA board meeting on December 4. We postponed the election because no board resolution has been made for the holding of Congress and Election. Also no member has paid their dues,” wika ni Navasero.

Sa ngayon ang asosasyon na PABA lamang ang kinikilala ng POC pero wala silang binibigyan ng basbas sa mga nakaupong opisyales.

Itinutulak ni Navasero na buksan ang pintuan sa ibang stakeholders upang maging maayos na ang samahan.

Ito rin ang nais na mangyari ng POC at kanilang ipinaalam ito matapos magpulong ang iba’t  ibang baseball groups sa tanggapan ni POC president Jose Cojuangco Jr. noong nakaraang linggo.

Sinasandalan ni Baradas ang suporta ng PRISAA sa pangunguna ni Dr. Emmanuel Angeles na siya ring nakaupo bilang PABA chairman para maayos na maidaos ang halalan na kung saan inaasahan din na ang may-ari ng Entom Pest Control na si Baradas ang iuupo bilang bagong PABA head.

Si Navasero na pinamunuan ang baseball sa bansa mula dekada 80 ay namaalam dahil sa sakit.

Show comments