Lady Tigresses, Lady Tamaraws sumipa ng panalo

MANILA, Philippines - Gumawa ng dalawang goals si Jennizel Cabalan para bitbitin ang UST sa 2-0 shutout panalo sa UP sa 76th UAAP women’s football noong Linggo sa FEU-Diliman pitch.

Sa first half ginawa ni Cabalan ang mga goals sa sixth at 27th minute upang kunin ng Lady Tigresses ang ikalawang panalo bukod sa isang tabla  para pangunahan ang liga.

Bumaba ang Lady Maroons sa ikalawang sunod na pagkatalo.

Naipagpatuloy ng FEU ang dominasyon sa La Salle sa 4-0 panalo sa isa pang laro.

Ang Lady Tamaraws at Lady Archers ang nagtuos sa titulo noong nakaraang taon at napanalunan ito ng FEU.

Si Alina Rose Araneta ay may dalawang goals na kinamada sa 32nd at 60th minute para pagbidahan ang panalo.

May isang goal si Alesa Dolino sa 66th minute habang ang huling goal ng Lady Tamaraws ay mula sa own goal ni Meryll Mae Ledesma sa 81st minute.

Show comments