First batch ng mga atleta tutulak ngayon sa Myanmar
MANILA, Philippines - Pangungunahan ni Flag bearer Jason Balabal ang mga atletang tutulak ngayon patungong Myanmar para sumali sa South East Asian Games mula DisÂyembre 11 hanggang 22.
Si Balabal ay isa sa anim na wrestlers at magtatangka siyang mapanatili ang titulo sa Greco-Roman.
Anim na wrestlers ang ipanlalaban ng Pillipinas sa Myanmar at ang iba pang kasapi sa koponan ay sina Margarito Angana Jr. Joseph Angana, Alvin Lobrequito, Johnny Morte at Noel Norada.
Kasama rin sa aalis ay ang 10 panlaban sa wushu na sina Jessie Aligaga, Dembert Arcita, Francisco Solis, John Keithley Chan, Daniel Parantac, Evita Elisa Zamora, Norlence Ardee Catolico, Karliza Kris Chan, Natasha Enriquez at Divine Wally.
Sasama rin sa first batch na aalis ay ang 15 secretariat at pitong medical staff.
Ang men’s at women’s basketball team ay tutulak naman bukas (Miyerkules) kasama ang boxing team at canoe-kayak.
Ang mga sports na naÂbanggit ay bubuksan bago pa ang opisyal na pagbubukas ng kompetisyon sa Disyembre 11.
Bubuuin ang delegasÂyon ng 210 manlalaro bukod pa sa 81 coaches at 33 secretariat at medical staff.
Hindi naman lahat ng kasaling atleta ay dadalo sa opening dahil mahuhuli ng alis ang mga manlalaro ng athletics, taekwondo, judo at equestrian.
- Latest