La Salle, NU Belles nagpakilala agad
MANILA, Philippines - Magarang pagbubukas sa pagdepensa sa women’s volleyball title ang ginawa ng La Salle nang hiritan ng straight sets panalo ang Adamson, 25-14, 25-22, 25-19, sa pagsisiÂmula ng 76th UAAP volleyball kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Nagsanib sa 28 hits ang co-MVP noong nakaraang taon na sina Ara Galang at Abi Maraño habang apat na blocks ang ginawa ni Mika Reyes para umangat agad ang koponan sa 1-0 baraha.
“Marami pang kailaÂngang gawin dahil alam naman natin na nawalan kami ng ilang players mula sa last year’s champion team,†wika ni La Salle coach Ramil de Jesus.
Nagparamdam naman ang National University na sila ang posibleng makalaban sa kampeonato sa taon nang durugin ang pumangalawa noong nakaraang taon na Ateneo, 25-17, 25-22, 25-17, sa unang laro.
May 18 puntos si 6’2 Dindin Santiago, kasama ang tatlong service aces habang ang nakababatang kapatid na si Jaja ay may walong hits sa unang laro sa liga.
Si Edjet Mabbayad ang siyang iniupo ngayon bilang coach ng Lady Bulldogs at natuwa siya sa nakitang pagtutulungan ng magkapatid na Santiago.
“Nagamit nila ang height advantage nila sa mga kalaban. Hindi sila naglaro individually but as a team at magandang senyales ito,†wika ni Mabbayad na pinalitan si Francis Vicente.
Ang Lady Eagles na nawalan ng key players na sina Dzi Gervacio, Jem Ferrer, Gretchen Ho at Fille Cainglet ay pinamunuan ni team captain Alyssa Valdez sa kanyang 16 puntos pero kinulang siya ng suporta para maunsiyami ang debut ng Thai coach na si Anusorn Bundit.
Si Bundit ay pumalit sa puwestong iniwan ni Roger Gorayeb na naipasok ang Ateneo sa Finals sa huling dalawang seasons pero minalas silang natalo sa La Salle.
- Latest