MANILA, Philippines - Ipinasok na ng namamayagpag na PLDT MyÂDSL ang sarili sa semifinals habang pinagtibay pa ng nagdedepensang TMS-Army ang paghahabol sa insentibo nang pagwagian ang kanilang hiwalay na laro sa Philippine Super Liga (PSL) volleyball Grand Prix kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Sinandalan ng Speed Boosters ang husay ng kanilang mga imports na sina Savannah Noyes at Kaylee Manns tungo sa 25-13, 24-26, 25-18, 25-20, panalo sa RC Cola.
May 17 kills, 3 aces at 2 blocks tungo sa 22 puntos ang 6’1 na si Noyes habang may 16 puntos si Manns tampok ang pitong service aces at ang bataan ni coach Roger Gorayeb ay umangat sa 4-0 baraha.
Nanalo ang PLDT kaÂhit hindi maganda ang ipinakita sa second sets sa naitalang 12 errors.
Hindi nagustuhan ni Gorayeb ang nangyari sa second sets pero isa pang hindi nagustuhan ng coach ay ang kakulangan ng suporta ng mga locals nang tanging si Sue Roces lamang ang nakatuwang ng mga imports sa kanyang 14 hits.
Ikaapat na sunod na pagkatalo ang nangyari sa Raiders na ginagamit na lamang ang nalalabing mga laro para mapaghandaan ang quarterfinals.
Iniwan naman ng Lady Troopers ang dating kasalo na Cagayan Valley sa paÂngalawang puwesto nang tuhugin ang ikaapat na panalo sa limang laro sa 25-5, 25-18, 25-20, straight sets panalo sa Cignal sa ikalawang laro.