MANILA, Philippines - Selyado pa rin ng Pilipinas ang taguri bilang number one na bansa sa men’s football nang umangat pa ang Nationals ng apat na baytang tungo sa 133rd puwesto sa bagong FIFA ran-kings na lumabas kahapon.
Ito na ang pinakamataas na ranking na nakuha ng bansa at kasama sa komputasyon ay ang dalawang FIFA international friendly games laban sa United Arab Emirates at India.
Natalo ang Azkals sa UAE, 0-4, pero nakatabla sa India, 1-1, upang tapusin ang kampanya sa 2013.
Sa kabuuan ay sa 14 puntos ang iniakyat ng AzÂkals matapos simulan ang taon na nasa 147th puwesto.
Sa Continental ranking, ang Pilipinas ay umangat mula sa 22nd puwesto tungo sa 19th place. Ang Syria ay mas mababa sa bansa ng isang baytang (20) habang ang Turkmenistan ay nasa 137th place.
Ang Myanmar ang puÂmaÂpangalawa sa Southeast Asia sa 140 bago sinundan ng Thailand (142), Singapore (154), Malaysia (158), Vietnam (158), Indonesia (162 ½), Laos (163), Cambodia (188), Brunei (189) at Timor Leste (189).