MANILA, Philippines - Ang panalo ni boxing icon Manny Pacquiao ang magsisilbing motibasyon ng Philippine team para itaas ang kumpiyansa ng mga biktima ng bagyong ‘Yolanda’ sa kanilang pagÂlahok sa 27th Southeast Asian Games sa Myanmar sa Disyembre.
Sinabi nina World champions Rubilen Amit ng billiards at Josie Gabuco ng boxing na obligasyon nilang palakasin ang loob ng mga nasalanta ng bagyo sa pamamagitan ng kanilang mga panalo sa sporting arena.
“This time, talagang tulung-tulong tayo na ma-boost ang morale ng isa’t isa,†sabi ni Amit sa send-off para sa Team Philippines sa ancestral home ni Philippine Olympic Committee president Peping Cojuangco.
“Tulad ng sinabi ni Pacquiao na in-offer niya sa bansa yung laban niya, siguro from that, likewise kami rin as national players, we as national players will offer our campaign to those who are going through a lot, especially after the calamity,†dagdag pa ng two-time Cebuana world 10-ball champ.
Ito rin ang dadalhin ni Palawan pride Gabuco sa SEA Games na nakatakda sa Disyembre 11-22.
“Sana makapagbiÂgay kami ng kaligayahan kung saka-sakali sa SEA Games; makapag-perform nang maayos at makamit ang inaasam na medalya para kahit paano maibsan ang kalungkutan, matuwa sa amin yung mga dinaanan ng bagyo,†ani Gabuco na sasabak sa 48-kg division.
Dumalo ang mga national athletes, kasama ang kanilang coaches at sports officials sa Thanksgiving Mass kasunod ang sendoff ceremonies bago magtungo sa Myanmar.
Kabuuang 210 athletes ang kakampanya para sa Team Phl sa 2013 SEAG at hangad na mapaganda ang sixth place finish sa Indonesia noong 2011.
Samantala, nagbigay ang Korean Triathlon Federeation at ang presidente ng Asian Triathlon Conferederation ng tig-$5,000 at 3-milyon yen naman ang sa Japan Olympic Committee para sa mga biktima ni Yolanda.