Bryant 2-taon pa sa Lakers

EL SEGUNDO, California--Pinapirma ng Los Angeles Lakers si Kobe Bryant sa isang two-year contract extension na tumiyak sa paglalaro ng fourth-leading scorer sa NBA history para sa kanyang ika-20th season.

Hindi pa naglalaro si Bryant ngayong season matapos sumailalim sa isang surgery sa kanyang napunit na Achilles tendon noong Abril.

Ngunit ayaw nang maghintay ng Lakers para muling mapalagda ng kontrata ang five-time NBA champion bago siya mag-isip na sumalang sa free-agent market.

Pinirmahan ni Bryant ang kontrata sa harap nina owner Jim Buss at general manager Mitch Kupchak sa opisina ng kanyang agent na si Rob Pelinka bago nagtungo ang Lakers para sa isang East Coast road trip.

Show comments