Sweep itinarak ng Hobe Bihon sa Skyforce

MANILA, Philippines - Nalusutan ng nagdedepensang kampeon Hobe Bihon ang Skyforce,  86-85, para makumpleto ang 3-0 sweep sa 3rd DELeague Kap. Rudy Francisco Cup semifinals sa Marikina Sports Park noong Linggo ng gabi.

Nilimitahan ng depensa ng Hobe Bihon ang kalaban sa siyam na puntos lamang sa huling yugto habang ang dating PBA Best Import na si Jamelle Cornley ay nakakawala ng dunk para bigyan ang koponan ng 86-83 bentahe sa huling 18 segundo.

Nagkaroon ng pagkakataon ang Skyforce na maihirit ang overtime matapos lapatan ng foul habang bumubuslo sa 3-point line si Al Vergara ni Bryan Warnest.

Pasok ang unang da­lawang buslo ngunit su­mablay ang panablang free throw para maibigay sa Hobe Bihon ang tagumpay.

 

 

Show comments