Outclassed. Outmatched.
Ganito natin mailalarawan ang naging laban ni Manny Pacquiao nang ipakita niya ang kanyang lakas at lawak ng karanasan kontra sa mas bata na si Brandon Rios.
Bagama’t hindi natupad ni Manny ang nais niya na sa ikaanim na round pa lamang ay pababagsakin na niya si Rios, masaya pa rin ang bansang Pilipinas dahil maÂkaraan ang dalawang laban kung saan siya ay natalo, nag-uumpisa nang bumalik uli si Pacquaio.
Sa totoo lang inaabangan ko talaga ang knockout, bagama’t alam natin na malabo itong mangyari, inaasaÂhan pa rin natin. Sabi nga kahit ano ay maaaring mangyari sa boksing, lalo na sa mga laban ni Pacquiao.
Siguradong ang panalo ni Pacquiao ay makapagbibigay na naman ng panibagong pag-asa sa nanlumong career nito.
Sa pagbubukas pa lamang ng telon, hati ang sigaw ng manonood, pero nang pumatak ang ikasampung round ay halos ang buong Cotai Arena ay mabibingi na sa sigaw ng pangalan ni Manny na senyales lamang na naibalik na nito ang kanyang mga fans.
Sa unang apat pa lamang na round ay nakita na konÂtrolado ni Pacquiao ang laban. Katunayan, sinuman ang mga nagdududa na hindi o tatagal sa laban ay siguradong nagbalik-loob agad sa paniniwala kay Pacquiao. Presko at tila mas malakas ang kanyang mga jab na kanyang ipinakita sa round five kung saan tumama ang isang malakas na suntok sa ulo ni Rios.
Lalo pang gumana at lumakas ang kanyang right-left combination. Sa round six, ang kumbinasyong ito ang nagpadugo sa kanang mata ni Rios. Sa tagpong ito, tinaÂtanong ko na ang aking sarili kung makatatagal pa ba si Rios sa laban.
Bagama’t nakabawi si Rios sa round eight na nakaÂpagpatama pa sa mukha ni Pacquiao, nabawi naman ito ng Pambansang kamao na nagpakawala ng humahaÂgupit na kumbinasyon sa mukha ni Rios. Kitang-kita ito sa pamumula at pagdurugo ng mata at ilong ni Rios.
Sa round nine, halos sigurado na ang panalo ni Pacquiao. Sa mga sadaling ito ay hinihintay ko pa rin na maÂpabagsak ni Pacquiao si Rios. Bagama’t magang- maga na ang mga mata ni Rios dahil sa magkakasunod na malakas at matutulis na koneksyon na pinakawalan ni Pacquiao sa mukha nito, naging matatag pa rin si Rios.
Ganito rin ang kuwento sa round ten. Halos nakaÂkuyapit na lamang si Rios na tila umaasa na lamang na tumagal hanggang 12th round. Dominado ni Pacquiao ang laban at talaga namang kitang-kita na overmatch at outclassed si Rios.
Sa pagkakataong ito alam ko na tanging milagro laÂÂÂmang ang makakapagpanalo pa kay Rios. Tunay na walang talent, bilis, at lakas si Brandon para makipagsaÂbayan kay Manny.
Sa 11th round, inakala ko na ito na ang pagkakataon na mapabagsak ni Pacquiao si Rios dahil nagpakawala ito ng magkakasunod na suntok. Isang kaliwa ang talaga namang tumama sa mukha ni Rios. Gayunpaman, hindi na ito nasundan ni Pacquiao na tila napagod na rin sa pagÂhahabol sa kanyang kalaban.
Sa final at ika-12 na round, tila noon lamang nalaman ni Rios na iyon na lamang ang tsansa niya para manalo, ang i-knockout si Pacquio. Pero si Pacquiao pa rin ang nakapagbigay ng intensidad sa mga manonood. Ipinakita niya na bumalik na ang fighting machine na noon ay nagÂpahanga sa buong mundo.
Sa huli, hindi maaalala nang mga manonood na hindi niya na-knockout si Rios, pero ang taÂnging maaalala ng mga maÂnoÂnood at mga taga-hanga ng boksing ay ipinakita muli ni Pacquao ang kanyang lakas, bilis, at pagkadominante sa laban.
Nagbalik na si Pacquiao.