Laro sa Miyerkules
(Ynares Arena)
2 p.m. Cagayan vs Cignal (W)
4 p.m. PLDT vs Petron (W)
6 p.m. PLDTMyDSL vs Maybank (M)
MANILA, Philippines - Nakitaan ng mas maÂgandang komunikasyon ang Cignal sa kanyang mga players para maiuwi ang 25-14, 25-11, 25-8, straight sets panalo sa bagitong RC Cola sa pagÂpapatuloy kahapon ng PhiÂlippine SuperLiga volleyball Grand Prix sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Nagkakaintindihan na ang mga locals at ang dalawang Chinese imports na sina Xie Lei at Li Zhangzhan upang mas maÂging suwabe ang takbo ng opensa at depensa para umangat ang HD SpiÂkers sa ikalawang sunod na panalo matapos ang tatlong laro.
Lumabas uli ang tikas din ng paglalaro ng nagdeÂdepensang kampeon TMS-Philippine Army tungo sa 25-23, 25-14, 25-18, pananaig sa Petron sa ikalawang laro.
Si Jovelyn Gonzaga ay may 9 kills tungo sa 11 puntos para suportahan ang 12 hits ni Swanitchaya Luangtonglang at ang Lady Troopers ay nakabangon agad mula sa pagkatalo sa PLDT MyDSL sa huÂling laro.
Ikatlong sunod na kabiguan ito para sa Petron na kumuha lamang ng walong puntos sa Japanese import na si Shinako Tanaka.
Si Chie Saet ang naÂnguÂna sa nanalong kopoÂnan sa kanyang 12 hits habang sina Xie at Li ay nagsanib sa 18 puntos. May walong hits pa si Rapril Aguilar para sa balanseng pag-atake ng Cignal sa larong tumagal lamang ng 58 minuto.
Nalaglag naman ang Raiders sa ikatlong sunod na pagkatalo at tila sila isang nauupos na kandila dahil sa mababang proÂduksyon sa laban.