Anomalya sa PATAFA nabuko ng PSC

MANILA, Philippines - Hindi lamang sa gob­yer­no may tinatawag na ‘tongpats’.

Ibinunyag kahapon ni Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia na ang isang kaso ng ‘tongpats’ o overpricing ay kanyang nadiskubre sa Phi­lippine Amateur Track and Field Association (PATAFA).

Ayon kay Garcia, humi­ling ang PATAFA ng pondo para sa pagbili sa mga sapatos na gagamitin sa darating na 27th Southeast Asian Games sa Myanmar sa Disyembre.

Ngunit ang presyong isinumite ng PATAFA ay triple sa aktuwal na halaga ng naturang mga sapatos.

“Nag-request sila ng mga sapatos a week and a half ago. Umabot dito sa lamesa ko and I checked on the request, and I questioned right away kung bakit ganito ‘yung mga presyo,” ani Garcia.

“Sapatos lang ng mga atleta na gagamitin sa Southeast Asian Games, eh more than P14,000.00 ang isang sapatos,” ani Garcia. 

Ayon sa PSC chairman, malinaw na may opisyal ng PATAFA na gustong kumita sa pagpapatong ng presyo sa orihinal na halaga ng sapatos na gagamitin ng mga atleta sa Myanmar SEAG.

Ang ginawa ng PSC ay umorder ng naturang mga sapatos kay American  coach Ryan Flaherty.

 

Show comments