MANILA, Philippines - Kumuha ng dalawang titulo ang pambato ng Caloocan na si Daniel “Dondon†Estanislao III sa idinadaos na 32nd PCA Open Tennis Championships na handog ng Cebuana Lhuillier sa Indoor Courts sa Plaza Dilao, Paco, Manila.
Inilabas si Estanislao na hawak ni coach Raymond Diaz ang galing nang pagharian ang 10-and-under unisex age group bago isinunod ang titulo sa doubles.
Tinalo ng mag-aaral ng Baesa Adventist Elementary School si Sebastian Lhuillier, 6-4, 6-2, sa quarterfinals bago isinunod ang top seed na si Diego Dayrit sa 6-4, 6-4, straight sets.
Kinaharap sa Finals ni Estanislao si second seed Miguel Vicencio na kanya ring tinalo, 6-4, 6-2.
Nagtambal naman sina Estanislao at Dayrit sa doubles at nakuha ang kampeonato sa 6-1, 7-5, tagumpay kina Villanueva at Portal.
Ang PCA Open ay prestihiyosong torneo sa bansa at ito ay itinataguyod pa rin ng Cebuana Lhuillier.