MIAMI--Isang buslo lamang ang naisablay ni Chris Bosh tungo sa 19 puntos habang sinolo ni Mario Chalmer ang 9-0 run na nangyari sa loob ng 39 segundo sa ikatlong yugto at ang Miami Heat ay naÂngibabaw sa Atlanta Hawks, 104-88, noong Martes sa Miami.
May 8-of-9 shooting si Bosh na nakakuha rin ng 17 puntos kay Ray Allen at 13 kay LeBron James para manalo sa ikaapat na sunod ang Heat.
Sa Houston, gumawa ng career-high na 24 puntos bukod pa sa siyam na rebounds si Terrence Jones para tulungan ang Rockets sa 109-85 pagdurog sa Boston Celtics.
May 10-of-12 shooting si Jones para pangunahan ang kahanga-hangang 57-percent shooting ng Rockets. Mas mabangis ang Houston sa first halfnang makagawa ng 72-percent para iwanan ng 24 puntos ang Celtics.
Sa Auburn Hills, Michigan, nagbuhos ng 15 sa kanyang 21 puntos sa seÂcond half si Rodney Stuckey at ang Detriot ay nanalo rin matapos ang walong pagkikita nila ng New York, 92-86.
May 19 puntos pa si Josh Smith para sa Piston na hindi ininda ang pagdikit sa apat ng Knights sa huling minuto.
Sa Washington, may 25 puntos si Bradley Beal habang tinablahan ni John Wall ang kanyang career-high sa assists na 16 feeds para manalo ang Washington sa Minnesota, 104-100, at wakasan ang kanyang four-game losing streak.
Sa Sacramento, nagbigay ng 27 puntos at 12 boards si DeMarcus CouÂsins habang sina rookie Ben McLemore ay may season-high 19 puntos na siya ring ibinigay ni Isaiah Thomas para bitbitin ang Sacramento sa 107-84 panalo laban sa Phoenix.