MANILA, Philippines - Nakaipon ang Shakey’s V-League at ang nag-orgaÂnisang Sports Vision ng higit sa P200,000 mula sa pagÂdaraos ng kauna-unaÂhang Shakey’s V-League All Star Weekend na pinaÂlaks ng Smart.
Ang nasabing pondo ay ido-donate sa mga biktima ng bagyong ‘Yolanda’.
“We thank all the sponsors and backers of the event and all the V-League fans for raising these funds for the Yolanda victims. In our little way, we’d like to do our share to assist our brothers and sisters seÂverely hit by this recent caÂlamity,†wika ni Sports Vision president Ricky Palou.
Ang pondo ay idadaan sa Kapuso Foundation ng GMA-7.
Humakot ang Shakey’s All Star Weekend, sinuportahan ng Shakey’s Pizza, Smart Communications, Accel Sportswear at Mikasa Volleyballs, ng P174,610 mula sa gate receipts.
Ang kabuuang pondong naipon mula sa naÂsabing two-day event, kasama dito ang clinic at volley camp noong Sabado, ay P188,610 kung saan nagÂdagdag ang Sports ViÂsion ng P11,390.