^

PSN Palaro

Kasparov nag-pledge ng $10K para sa mga biktima ng ‘Yolanda’

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Noong 1992 pa siya hu­ling bumisita sa Pilipinas at kahapon ay kaagad nanga­ko si dating world chess cham­pion Garry Kaspa­rov ng tulong na $10,000 pa­ra sa mga nasalanta ng bag­yong ‘Yolanda’.

Sinabi ni Kasparov, du­ma­ting sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ka­sama si FIDE Secretary General Ignatius Leong sa­kay ng Thai Airways TG 620, na narito siya para ku­­muha ng suporta sa kan­­yang pagtakbo para sa 2014 FIDE presidency.

“I’m here to meet with the Philippine Chess Fe­de­ration about my bid to pre­sidency in FIDE,” ani Kas­parov.

“But the current situa­tion in the country, the horri­ble catastrophe, I think it is appropriate to commit 10 thousand US dollars as help,” dagdag pa nito.

Sinalubong si Kaspa­rov sa airport nina Natio­nal Chess Federation of the Philippines (NCFP) pre­sident Prospero “Butch” Pit­chay, Grandmaster Eu­gene Torre at NCFP sec­retary General Jayson Gon­zales.

Inaasahang makakala­ban ni Kasparov para sa FIDE presidential race ang pangulong si Kirsan Ilyumzhinov na asam ang kanyang ikaanim na sunod na termino.

Nauna nang bumisita si Kasparov sa Indonesia, Singapore at Thailand kung saan niya tinalakay ang global chess development sa Asian region pati na ang kanyang ambis­yong maging presidente ng FIDE.

“You know, this coming FIDE election is a competition for better ideas,” sabi ni Kasparov sa FIDE pre­sidential election.

Huling bumisita sa bansa si Kasparov noong 1992 nang saksihan niya ang pag­tatayo ng isang chess pla­za sa Luneta Park.

CHESS FEDERATION OF THE PHILIPPINES

FIDE

GARRY KASPA

GENERAL JAYSON GON

GRANDMASTER EU

KASPAROV

KIRSAN ILYUMZHINOV

LUNETA PARK

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with