^

PSN Palaro

NU Bullpups nilapa ang Xavier

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinapitan ng suwerte ang UAAP champion National University para maigupo ang malakas na hamon ng Xavier University tungo sa 82-81 panalo sa overtime sa pagbubukas ng 2nd Philippine Secondary Schools Basketball Cham­pionship noong Sabado sa Chiang Kai Shek College Gym.

Si Hubert Cani ay gumawa ng 21 puntos at ang kanyang pinakamalaking buslo ay ang follow-up sa sariling mintis sa huling .5 segundo sa extention upang ibigay sa Bullpups ang unang panalo sa Group A.

Ang winning play ang nagsantabi sa dalawang sablay sa 15-foot line na nag­panalo na sana sa NU sa regulation.

Ipinakita naman ng nagdedepensang kampeon Hope Christian High School ang kahandaan na mapanatiling hawak ang titulo nang durugin ang Jose Rizal Uni­versity, 78-63, sa laro sa Group B.

Hindi nagpahuli ang dating UAAP titlist na Ateneo nang ilampaso ang St. Stephen’s High School, 88-58, habang ang pumangalawa noong nakaraang taon na San Sebastian ay namayani sa Chiang Kai Shek College, 79-74, sa iba pang mga laro.

CHIANG KAI SHEK COLLEGE

CHIANG KAI SHEK COLLEGE GYM

GROUP A

GROUP B

HIGH SCHOOL

HOPE CHRISTIAN HIGH SCHOOL

JOSE RIZAL UNI

NATIONAL UNIVERSITY

PHILIPPINE SECONDARY SCHOOLS BASKETBALL CHAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with