Team Smart ipinagpag ang Team Shakey’s
MANILA, Philippines - Nakitaan ng tibay ng loob ang Team Smart para talunin ang Team Shakey’s, 18-25, 25-16, 20-25, 25-20, 15-10, sa kauna-unahang Shakey’s V-League All-Star Game kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Nararapat lamang na ang nanguna sa Team Smart na hawak ni coach Roger Gorayeb ay ang daÂlawang manlalarong naghati sa Most Valuable Player award na ibinigay sa nakalipas na confeÂrence nang si 6’2 Dindin Santiago ay mayroon 16 puntos habang si Jovelyn Gonzaga ay nag-ambag pa ng siyam na hits.
Pero nakatulong din si Pau Soriano na gumawa sa huling dalawang sets upang makumpleto ng Team Smart ang pagbaÂngon mula sa 1-2 score.
May 10 puntos si Mary Jean Balse habang siÂyam na hits si Rachel Ann Daquis para sa Team ShaÂkey’s na ginabayan ni coach Nestor Pamilar.
Ang exhibition game na ito ay kinakitaan din ng paglalaro ng mga talents ng GMA 7 at sina Vonne Aquino at Betina Carlos ay naglaro sa Team Smart habang sina Lala Roque at LJ Reyes ay nakasama sa Team Shakeys.
Inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s, naging layunin din ng kaganapan ang makalikom ng pondo para itulong sa mga nabiktima ni Yolanda na nanalasa sa Kabisayaan.
Mga gamit ng liga tulad ng mga bola na pirmado ng mga batikang manlalaro ang inilagay sa auctioned bago ang laro para makatulong sa kanilang fund raising drive.
- Latest