Kampeon sa Tour de France babandera sa BGC Cycle Phl cast
MANILA, Philippines - Pangungunahan ni three-time Tour de France green jersey winner Robbie McEwen ang mga dayuhang makikipagkarera sa kauna-unahang BGC Cycle Philippines ngayon sa Bonifacio Global City sa Taguig City.
Si McEwen na tubong Australia, ay kinilala bilang best sprinter sa Tour de France noong 2002, 2004 at 2006 edisyon at siya ang itinalaga bilang Cycle Asia’s Ambassador.
Sa 40-kilometro ang distansya sa Challenge ride at makakasama ni McEwen ang mga siklistang Pinoy sa karerang inorganisa ng Sunrise Events Inc. at suportado ng BGC.
“I’m looking forward to riding with Filipino cyclist,†wika ni McEwen sa isinagawang press conference na dinaluhan mismo ni Sunrise Events Inc. chairman at president Wilfred Steven Uytengsu bukod pa nina Spectrum managing director Chris Cobb at Firefly Brigade president Karen Crisostomo.
Bukod sa Challenge, ang iba pang kategorya ay The Tricycle Ride, The Kids’ Ride at The Community Ride (20-km at 40-km).
Kahapon opisyal na sinimulan ang kaganapan sa pamamagitan ng Cycling and Lifestyle Expo, Meet and Greet kasama si McEwen at cocktails.
Tumulong din si McEwen na nakapagrehistro ng mahigit na 200 panalo, sa paglikom ng pera para sa mga nabiktima ng super typhoon Yolanda nang ibinigay niya para sa auction ang kanyang Tour de France green jersey na napanalunan noong 2002.
Ang BGC Cycle Philippines ay katulad sa matagumpay na Cycle Asia events sa rehiyon. Ang Cycle Asia ay isang prestihiyosong cycling event na nagbibigay-pagkakataon sa mga riders na maipakita ang kanilang talento samalalaking siyudad sa Asia.
- Latest