MANILA, Philippines - Isang one-day volley camp ang magpapasimula sa Shakey’s V-League All-Star Weekend na pinaÂlakas ng Smart bukas kung saan ang mga league stars ang magdaraos ng isang two-session clinic para sa mga volley enthusiasts at aspirants sa The Arena sa San Juan City.
Ang maximum na 40 participants per session ang tatanggapin sa clinic na magtatampok sa digging, setting, spiking at serving.
Ang camp ay bukas sa lahat ng mga batang babaeng may edad 9-anyos hanggang 17-anyos.
Samantala, itatampok sa Shakey’s All Star sa Linggo ang paglalaro nina GMA talents Bettina Carlos, LJ Reyes, Lala Roque, Vonne Aquino, Raffy Tima at Dano Tingcungco.
Sina Rachel Ann DaÂquis, Aiza Maizo, Suzanne Roces, Angeli Tabaquero, Mary Jean Balse, Michelle Carolino, Angelique Dionela, Rubie de Leon, Maureen Penetrante-Ouano at Tina Salak ang bubuo sa Shakey’s team ni coach Nestor Pamilar.
Ang Team Smart ay kinabibilangan nina Dindin Santiago, Jovelyn Gonzaga, Maru Banaticla, Jamenea Ferrer, Jennelyn Reyes, Gretchel Soltones, Fille Cainglet, Pau Soriano, Alyssa Valdez at Charo Soriano kasama si coach Roger Gorayeb.