Laro Ngayon
(The Arena, San Juan City)
1 p.m. opening ceremonies
2 p.m. Petron vs Cagayan Valley (Women’s)
4 p.m. PLDT-MyDSL vs Systema (Men’s)
MANILA, Philippines - Mag-aagawan ang Petron at Cagayan Valley sa pagsungkit ng unang panalo sa women’s division habang ganito rin ang paglalabanan ng PLDT-MyDSL at Systema sa kaÂuna-unahang laro sa men’s division sa Philippine Super Liga (PSL) Grand Prix ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Mahigpitang tagisan ang magaganap sa anim na koponang kasali sa kababaihan dahil sa pagpasok ng tig-dalawang dayuhang imports habang maaksyon din ang sa men’s divison na lalahukan ng apat na koponan dahil ang magdodomina ang lalabas na kauna-unahang kampeon sa men’s semi-professional league ng bansa.
Si Richard Gomez, na isang artista at sportman, ang mangunguna sa PLDT-MyDSL at nagpahayag siya ng pasasalamat sa pasimuno ng liga dahil sa pagsama sa men’s volleyball upang ma-develop ito katulad sa women’s.
Ang atensyon ay tiyak itutuon sa kababaihan lalo na ang Lady Rising Suns na sariwa sa makasaysaÂyang sweep sa isang volleyball league sa bansa.
Ayaw naman magpaÂdala ni coach Nestor Pamilar na kinuha bilang reinforcements ang mga Thai na sina Patcharee Saengmuang at Wanida Kotruang upang makipagtulungan sa mga locals sa pamumuno nina Angelie Tabaquero, Aiza Maizo, Wenneth Eulalio at Pau Soriano.
“Lahat ng mga kasaling teams ay may malalakas na players at naghahanda rin ang mga iyan. Kaya lahat ng kasali ay palaban,†pahayag ni Pamilar.
Ang Blaze Spikers na hawak ni Vilet Ponce de Leon ay kinuha sina Japanese players Misao Tanyama at Shanako Tanaka para gabayan ang koponang kinabibilaÂngan din nina Gretchen Ho, Stephanie Mercado, Dzi Gervacio, Mic-Mic Laborte at Melissa Gohing.
“Excited kami na maglaÂlaban sila dahil matagal na silang magkakasama at favored sila. Basta kami handa kami,†wika ni Ponce De Leon.
Ang TMS-Philippine Army ang siyang nagdedepensang kampeon habang ang iba pang kasali ay ang PLDT-MyDSL, Cignal HD at baguhang RC Cola ang kukumpleto sa mga kalahok sa kababaihan.
Ang MayBank at Gilligans ang iba pang palaban sa kalalakihan.