Baculi sinibak na sa globaLport, Ticzon ipinalit bilang interim coach

MANILA, Philippines - Tuluyan nang sinibak ng Globalport si Junel Baculi bilang head coach kasabay ng pagtatalaga kay assistant Ritchie Ticzon bilang interim coach.

Sinabi ni team owner Mikee Romero na nakipag-usap siya kay Baculi kasama si team manager Erick Arejola noong Biyernes ng gabi bago magdesisyon.

“After the meeting bet­ween the management and coach Junel last night (Biyernes), both parties have agreed that coach Junel will focus on his res­ponsibilities as athletic director of the National University,” sabi ni Arejola.

“On the other hand, we have appointed Ritchie Ticzon as interim head coach, while Erik Gonzales will be our lead assistant,” dagdag pa nito.

Si Ticzon ay dating kamador ng Ateneo Blue Eagles sa UAAP at unang naglaro para sa Coney Island (Purefoods) sa PBA noong 1994.

Kabilang sa mga sina­sabing nasa listahan ni Ro­mero na gagawin niyang head coach ng Globalport ay sina Nash at Ol­sen Racela, si Alaska Milk assistant Alex Compton at Air21 mentor Franz Pumaren.

Tumapos ang Globalport bilang pang-lima sa nakaraang 2013 PBA Go­vernors’ Cup na pinagha­rian ng San Mig Coffee.

Samantala, pumirma na ng kanilang mga kontrata sina rookies Terrence Romeo at Nico Salva sa Batang Pier.

Lumagda si Romeo, ang  2013 UAAP Most V­a­luable Player para sa FEU, sa isang three-year deal na nagkakahalaga ng P9 milyon, habang pumirma si Salva, isang two-time UAAP Finals MVP ng Ateneo, sa isang two-year pact na aabot sa P3.5 millyon.

 

Show comments