SMART/PH jins sumipa ng 12 medalya sa Asian University tourney

MANILA, Philippines - Sumipa sa 12 medalya, kasama ang dalawang ginto ang mga kasapi ng SMART national taekwondo team na sumali sa Asian University Kyorugi (free sparring) championships sa Cheongyang, Korea.

Sina Mary Anjelay Pe­laez (under 46 kg) at Samuel Thomas Harper Mor­rison (under 58 kg) ang mga pinalad na nanalo ng gintong medalya para ma­ging matagumpay ang ikalawang sunod na international tournament na sinalihan ng Philippine Taek­wondo Association (PTA).

May 18 bansa ang nagtagisan at ang iba pang na­nalo ng medalya sa Pambansang koponan ay sina:

Silver --Kristopher Ro­bert Uy (over 87 kg), Francis Aaron Agojo (under 54 kg), Christian Al Dela Cruz (under 68 kg), Ma. Isabella Erika Mora (under 53 kg), Jade Zafra (under 73 kg) at ang team of five players.

Bronze--Paul Romero (under 63 kg), Nicole Abigail Cham (under 52 kg), Jane Rafaelle Narra (under 57 kg) at Gershon Bautista (under 87).

Bago ito ay umani mu­na ng tatlong ginto, dalawang pilak at isang bronze medals ang inilahok sa 8th World Taekwondo Poomsae Championships kamakailan.

Si Mikeala Calamba ay nanalo sa freestyle indivi­dual bago nakipagtulungan kina Jocel Lyn Ninobla at Rinna Babanta para sa team female gold.

Show comments