MANILA, Philippines - Tiniyak ni Nonito Donaire Jr. ang isang knockout sa kanilang rematch ni Vic Darchinyan bukas sa American Bank Center sa Corpus Christi, Texas.
Ito ang matapang na prediksyon ng dating world champion mula sa Pilipinas.
“That’s one thing this fight will be (a knockout),†wika ni Donaire, muling lalaban matapos maisuko ang kanyang WBO at WBA super-bantamweight titles kay Guillermo Rigondeaux noong Abril.
Sinabi ni Donaire na pipilitin niyang makakuha ng knockout. “He (Darchinyan) is going to look for a knockout and I’m going to look for a knockout. I don’t think it is going to last the 10 rounds,†wika ni Donaire sa isang confeÂrence call.
Ito ang unang pagkakataon na lalaban si Donaire sa featherweight ngunit sinabing komportable siya sa nasabing dibisyon.
Nang magharap sila noong 2007 sa Bridgeport, Connecticut ay umiskor si Donaire ng isang knockout laban sa fighter ng Armenia.
Nangyari ang knockout sa 1:38 mark sa fifth round matapos ang left hook ni Donaire kay Darchinyan.
Hindi alam ni Darchinyan kung ano ang tumama sa kanya.
“It was the only knockdown in my life--amateur or professional--never been knocked down. I jumped up right away,†wika ng 37-anyos na si Darchinyan.