Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena,
Pasay City)
12:30 p.m. Letran vs San Sebastian (Srs. Final 4)
2:30 p.m. San Beda
vs Perpetual Help
(Srs. Final 4)
MANILA, Philippines - Itakda ang ikalawang sunod na paghaharap sa finals ang balak gawin ng San Beda at Letran.
Sisimulan ngayon ang 89th NCAA men’s basketball Final Four sa Mall of Asia Arena sa Pasay City at kalaban ng Knights ang San Sebastian sa ganap na alas-12:30 ng hapon at ang Lions ay kasukatan ng Perpetual Help dakong alas-2:30 ng hapon.
Pilit na isasantabi ng three-time defending champion Lions ang kontrobersya na dumapo sa kanila sa pagtatapos ng elimination round sa pagpanalo sa Altas upang umabante na sa Finals.
“We are trying to turn the negative things into positive,†wika ni Lions rookie coach Boyet Fernandez.
Tumapos ang San Beda bitbit ang nangungunang 15-3 baraha pero muntik mabawasan ang panalo at malagay sa pang-apat na puwesto nang akusahan ang guard na si Rsysei Koga na naglaro sa isang barangay league habang isinagawa ang NCAA.
Pero minabuti ng MaÂnaÂgement Committee (Mancom) na itigil muna ang imbestigasyon para hindi mabalam ang iskedyul ng Playoffs.
Hindi naman nagpaÂbaya ang Lions dahil nagsagawa sila ng team builÂding upang hindi masira ang magandang samahan ng koponan.
Dalawang beses na nilang pinataob ang Altas sa taong ito at hindi malayong lumawig ito kung lalabas ang A-game ng mga inaasahang sina Olaide Adeogun, Baser Amer, Kyle Pascual, Rome dela Rosa at Arthur dela Cruz.
Ang Knights na pumaÂngalawa noong nakaraang season ay patok din sa Baste na may three-game winning streak na papasok sa Playoffs.