Women’s golf team naihabol sa Team Phl para sa 2013 SEAG

MANILA, Philippines - Naihabol ng POC-PSC Task Force SEA Games ang pangalan ng women’s golf team para sa ipapa­dalang delegasyon ng Pili­pi­nas sa Myanmar.

Sina Princess Superal, Mia Legaspi at Katerine Bri­on ang magdadala ng laban sa women’s team at ipinalalagay na ma­kakapagbigay sila ng ma­gandang laban lalo na si Superal, ang Asian Youth Games champion at sariwa sa pagkapanalo sa Ladies Philippine Golf Tour sa Camp John Hay sa Ba­guio City.

“We are sending the wo­men’s golf names with a special request for accreditation with the Myanmar South East Asian Games Or­ganizing Committee. Sa­na ma-accommodate ta­yo,” wika ni Chief of Mission Jeff Tamayo.

Isang pagpupulong pa ang gagawin nina PSC chair­man Ricardo Garcia at golf association president Tom­my Manotoc pero tiwa­la si Tamayo na sasang-ayu­nan nila ang paglalaro ng koponan sa SEAG.

Ibinalita pa ni Tamayo na ang men’s team ay pa­sa­do na rin sa delegasyon.

Ito ay bubuuin nina John Kier Abdon, Rupert Za­ragosa, Jobim Carlos at Justin Quiban.

Samantala, may posibi­lidad na masama rin ang wo­men’s basketball team ma­tapos magkaroon ng ha­ting opinyon ang mga sports officials.

Ang koponan ay natalo sa Malaysia at Indonesia matapos silatin ang host at 2011 SEA Games gold me­dalist Thailand para tu­mapos sa pang-apat na puwesto sa FIBA Asia Cham­pionship for Women Le­vel II sa Bangkok, Thailand.

Show comments