KUALA LUMPUR,--Ibinigay ni Daniel Parantac ang unang medalya ng Pilipinas sa 12th World Wushu Championship nang nalagay sa pangatlong puwesto sa taijiquan.
Ang tubong Baguio City ay nabigyan ng 9.64 puntos at naungusan niya ng .01 puntos ang Koreano para sa bronze medal.
Si Yunlong Chai ang kukuha ng ginto sa 9.70 marka habang ang pambato ng host country na si Lee Yang ang nag-uwi ng pilak sa 9.69 puntos.
Inaasahang madadagÂdagan pa ang medalya ng koponang inilahok ng Wushu Federation Philippines (WFP) sa pagsalang ng mga sanda artists.
Ang nagdedepensang world champion sa 48kg na si Jessie Aligaga bukod kina Benjie Rivera, Jean Claude Saclag at Evita Elise Zamora ay umabante na sa semis.
Tinalo ni Aligaga si Chan Hau Wing ng Hong Kong; si 2011 World bronze medalist Rivera ay nanaig kay Mohammad Ramin Naemi ng Afghanistan; si Zamora ay nagdomina kay Chao Ho Yee ng Hong Kong at si Saclag ay nangiÂbabaw kay Karapet Tevosyan ng Armenia.