MANILA, Philippines - Ilagay ang pangalan bÂilang kauna-unahang kampeon ng 1st UNTV Cup ang balak gawin ng Judiciary sa pagharap uli sa Philippine National Police sa Game Two ng Finals ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Sa ganap na alas-8 ng gabi gagawin ang tagisan at hanap ng koponang haÂwak ni Dennis Balason ang maulit ang 80-76 panalo sa unang tagisan sa best-of-three Finals noong Oktubre 27.
Bago ang larong ito ay matutunghayan muna ang exhibition game sa paÂgitan ng PBA Legends at koponang binubuo ng mga public servants at celebrities sa ganap na alas-6 ng gabi.
Nakitaan ng katatagan ang Judiciary sa unang taÂgisan nang nanalo kahit nakitang naglaho ang double-digits na kalamaÂngan sa halftime.
Si Don Camaso ay gumawa ng 24 puntos pero sina John Hall at ang mga off-the-bench players na sina John Herbert Bergonio at Frederick Salamat ang mga nagtrabaho sa huling 10 minuto para ipalasap sa PNP ang unang pagkatalo matapos ang pitong sunod na panalo.
Ang mahusay na teamwork ang patuloy na sasandalan ng Judiciary pero tiyak na sisikapin nilang magpakita ng mas matinÂding depensa upang pigilan sa Olan Omiping.
Ang dating UE gunner na si Omiping ay gumawa ng 42 puntos para sa PNP pero kinulang siya ng suporta para kapusin ang koponan.
Kung manalo ang Judiciary, maibubulsa rin ng koponan ang P1 milyong premÂyo na ibibigay ng Breakthrough and Milestone Production International sa mapipiling paboritong charitable institution.