Amit reyna ng Yalin 10-ball nalusutan si Fisher
MANILA, Philippines - Hindi nawala ang tiwala ni Rubilen Amit kahit napag-iwanan sa mga naunang racks ni Kelly Fisher ng Great Britain nang kunin ang 2013 Yalin Women’s World 10-Ball Championship sa 10-7 panalo kagabi sa Resorts World Manila.
Isinantabi ni Amit ang 3-5 iskor sa race-to-10 Finals nang kapitalisahin ang mga errors ng 2011 champion na si Fisher para maging kauna-unahang manlalaro na may dalawang titulo sa 10-ball.
Noong 2009 naunang nagdomina si Amit sa kompetisyon na ginawa rin sa Pilipinas at maihahanay siya kina Efren “Bata†Reyes at Ronato Alcano bilang pool players ng bansa na may dalawang world titles.
Marami ring errors si Amit sa labanan pero nagawa niyang pagandahin ang tumbok sa huling tatlong racks para kunin din ang $21,000.00 premyo.
Tatlong sunod na racks ang ipinanalo ni Amit para hawakan ang 7-6 kalamaÂngan pero nagawang tumabla ni Fisher sa 14th rack
Isinuko naman ni Fisher ang laban nang ma-foul habang tinitira ang four-ball at sa 16th rack ay na-scratch ang cue-ball matapos ipasok ang 6-ball upang madaling ubusin ni Amit ang mga nakalatag na bola para makarating na sa hill, 9-7.
Sargo ni Amit sa deciÂding 17th rack at bagamat walang magandang tira sa 1-ball ay naitago niya ang cue-ball upang matawagan uli ng foul si Fisher.
Nakabalik pa si FiÂsher nang masama ang preparasÂyon sa 3-ball at naipasok ito ng British player gamit ang jumpstick.
Ngunit sadyang ‘di para kay Fisher ang titulo dahil sablay siya sa 8-ball upang magselebra ang mga kababayan ni Amit na nanood ng laban.
Solido ang larong nakita kay Amit dahil isang beses lamang siyang natalo sa kabuuan ng torneo.
Nakalaban ni Amit sa semis si Pei Chen Tsai ng Taipei at muling inilabas ni Amit ang determinasyon at puso matapos humabol sa 6-7 iskor tungo sa 9-7 panalo.
Nakapasok naman si Fisher sa Finals sa kumbinsidong 9-2 panalo kay Yu Han ng China.
- Latest