MANILA, Philippines - Nalalagay sa alanganin ang pagpapadala ng men’s golf team matapos ang pag-atras ng isang manlalaro na nauna nang pinaÂyagang maglaro ng POC-PSC Task Force SEA Games.
Si Fil-Am Anton Arboleda na naunang nagpasabi na maglalaro sa pambansang koponan ay hindi na makakasama dahil ang Myanmar Games ay tatama sa kanyang pag-aaral sa US.
Ang iba pang kasapi ng koponan na naunang binigyan ng go-signal ay sina Rupert Zaragosa, Jobim Carlos at Justin Quiban.
Si Arboleda ay pinalitan ni John Kier Abdon pero hindi pa matiyak kung maipapadala ng koponan dahil sa pagbabago ng lineup.
Isa sa kriteria ng Task Force ay ang matiyak na ang mga ilalabang koÂponan ay puwedeng manalo ng ginto.
Kasabay nito ay alangaÂnin na rin ang pagpapadala sa women’s basketball team na hindi umabante sa preliminary round sa 2013 FIBA-Asia Championship for Women na ginagawa sa Bangkok Youth Center sa Bangkok, Malaysia.
Ang di inaasahang pagkatalo ng Pilipinas sa Malaysia, 56-60, at sa Indonesia, 54-60, ang nagpawalang-saysay sa tatlong dikit na panalo na kinatampukan ng 60-56 panalo sa host Thailand.
Ang Thailand ang tuÂmalo sa Pilipinas sa Indonesia SEA Games para sa gintong medalya.
Tumapos ang koponan ni coach Haydee Ong sa pang-apat na puwesto lamang kasunod ang Indonesia kahit pareho silang may 3-2 baraha.
Ang Thais at Malaysian na may magkatulad na 4-1 baraha ang nanguna sa Level II at nakatapat ang India at Kazakhstan sa playoff para malaman kung sino ang dalawang koponan na aakyat sa Level I sa susunod na edisyon.
Ang India at KazakhsÂtan ang mga nangulelat na koponan sa Level I.
Si PSC chairman Ricardo Garcia ay makikiÂpagpulong sa Task Force members sa pangunguna nina Chief of Mission Jeff Tamayo at POC chairman Tom Carrasco Jr. sa linggong ito para desisyunan ang golf at women’s basketball.