^

PSN Palaro

Alcala siblings dinomina ang MVPSF-PBaRS

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ginulat ng 14-anyos na si Mark Shelley Alcala ang top seed na si Toby Gadi nang iuwi ang 21-14, 21-12, straight sets panalo at hiranging kampeon sa MVP Sports Foundation-PBsRs Tournament Open men’s singles division kahapon sa Robinson’s Place Manila.

Hindi inalintana ni Alcala ang pagkakaroon ng diarrhea nang maging matiyaga siya sa palitan nila ni Gadi na patok sa laban bilang isang seven-time champion sa dibisyon.

“Buti nagtiyaga ako. Hindi ko na inisip ang hilab ng tiyan ko at focus lang ako sa laban,” wika ni Alcala na sumali sa Open sa pangalawang pagkakataon lamang.

Nakadalawang titulo si Alcala dahil kampeon din siya sa boys’ U-19 nang talunin ang top seed na si Nicole Clarence Filart, 21-13, 21-18.

Kinumpleto ng nakakatandang kapatid ni Mark na si Malvinne ang dominasyon ng mga Alcalas sa Open division nang talunin si Bianca Carlos, 21-18, 21-16, sa women’s singles.

Nananakit din ang tiyan ni Malvinne pero dinaig ito ng masidhing hangarin niyang talunin si Carlos na siyang nagpatalsik sa kanya sa girls’ U-19 division.

Binawi naman ni Carlos ang pagkatalo nang ma­naig kay Patrisha Malibiran, 21-14, 21-14, sa U19 girls singles.

Ang iba pang naging kampeon ay palarong may basbas din ng Philippine Olympic Committee, Phi­lippine Sports Commission at suportado ng Victor, ay sina Mariya Anghela Sevilla(girls’ U15), Louis Joaquin Pangilinan (boys’ U15) Gelita Castilo at Dia Nicole (Open women’s doubles) at Arman Manla­langit at Marina Caculitan (U19 mixed doubles).

vuukle comment

ALCALA

ARMAN MANLA

BIANCA CARLOS

DIA NICOLE

GELITA CASTILO

LOUIS JOAQUIN PANGILINAN

MALVINNE

MARINA CACULITAN

MARIYA ANGHELA SEVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with