Laro sa Lunes
(JCSGO Gym)
12 p.m. Café France vs Jumbo Plastic
2p.m. Blackwater Sports vs Boracay Rum
4p.m. Big Chill vs BDO
MANILA, Philippines - Ginamitan ng Zambales M-Builders ng malakas na pagtatapos para biguin ang upset na dala ng Wang’s Basketball, 76-74, sa PBA D-League Aspirant’s Cup kahapon sa Ynares Arena sa Pasig City.
Lumayo na sa siyam ang Builders sa pagtatapos ng ikatlong yugto, 59-50, pero lumamya ang depensa para makabangon ang Couriers at dumikit sa 64-66 mula sa tres ni Macky Acosta.
Isang 6-0 run ang pinagtulungan nina Joshua Saret, John Ray Alabanza at Mike Tolomia upang tuluyang ilayo ang koponan at kunin ang ikalawang panalo sa tatlong laro.
Si Saret na minsan na gumawa ng 89 puntos sa NCAA juniors, ay may 15 puntos habang sina Bryan Cruz at Alabanza ay mayroong 12 at 11. May 12 boards pa si Alabanza.
Hindi naman natuwa si Builders coach Junel Mendiola sa ipinakita ng kanyang mga alipores lalo na sa huling 10 minuto ng labanan.
“Masama ang depensa namin. Masuwerte lang at nanalo pa,†wika ni Mendiola na ang koponan ay bumangon sa 87-91 pagkatalo sa Cagayan Valley sa huling laro.
Sa iba pang laro, dinurog ng Hog’s Breath Café ang Arellano University, 80-69, habang nanalo ang Café France sa Cebuana Lhuillier, 70-67, para mapasok sa win-column.
Ginamit ng Razorbacks ang 30-9 palitan sa ikatlong yugto para gawing 64-45 ang 34-36 iskor sa halftime.
May 25 puntos si Francis Allera habang 21 ang ibinigay ni Philip Paniogan para sa tropa ni coach Caloy Garcia.