Lhuillier masusubukan sa Cafe France
Laro Ngayon
(Ynares Sports Arena, Pasig City)
12 p.m. Zambales M-Builders vs Wang’s Basketball
2p.m. Arellano U vs Hog’s Breath Café
4p.m. Cebuana Lhuillier
vs Café France
MANILA, Philippines - Apat pang koponan ang magbubukas ng kampanya habang babangon mula sa pagkatalo ang dalawang iba pa sa pagpaÂpatuloy ngayon ng PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Ipapamalas ng Cebuana Lhuillier ang bagong lakas nang hugutin ang core players ng UE para katawanin ang koponan sa pagharap sa Café France sa tampok na laro sa triple-header sa dakong alas-4 ng hapon.
Si Red Warriors coach David Zamar ang siya ring magmamando sa pagkakataong ito at sasandal sa mga manlalarong sina Roi Sumang, Lord Casajeros, Chris Javier, Adrian Santos at Ralph Olivares na siyang nagsikap pero kinapos na bitbitin ang UE sa Final Four.
Ang chemistry ang daÂpat na makita agad sa koÂponan lalo pa’t ang Bakers ay magnanais na bumaÂngon mula sa 74-83 pagkatalo sa Cagayan Valley sa unang laro.
Sasalang din ang Zambales M-Builders na galing sa talo sa kamay ng RiÂsing Suns noong Martes, 87-91, laban sa baguhan ding Wang’s Basketball sa ganap na alas-12 ng tanghali habang ang Arellano University at Hog’s Breath Café ang magtutuos sa ikalawang laro dakong alas-2 ng hapon.
- Latest