MANILA, Philippines - Hindi sa Globalport natapos ang pagtigil ni Fil-American pointguard Chris Ross.
Kahapon ay inaprubahan ni PBA Commissioner Chito Salud ang one-on-one trade sa pagitan ng Batang Pier at Petron Blaze BoosÂters sangkot sina Ross at Denok Miranda.
Dinala ng Globalport si Ross sa Petron, ang runner-up sa nakaraang 2013 PBA Governors’ Cup, bilang kapalit ni Miranda.
Ito ang pangalawang pagkakataon na naipamigay ang six-footer na si Ross matapos ibigay ng MeÂralco Bolts sa Batang Pier bilang bahagi ng trade kay Gary David.
Hindi nag-ensayo si Ross sa Batang Pier matapos ang trade sa Bolts.
Sa nakaraang 2012-13 season para sa Meralco ay nagtala si Ross ng mga averages na 5.21 points, 4.19 rebounds, 6.60 assists at 1.71 steals.
Sinasabing dadalhin ng Globalport si Miranda sa Barako Bull, may-ari ng No. 4, 5 at 6 picks sa 2013 PBA Rookie Draft, kapalit ni rookie Jeric Teng.
Nawala sa rotation ng Boosters si Miranda dahil sa magandang inilaro ni Chito Lanete, naglista ng mga aveÂrages na 5.97 points, 2.18 rebounds at 2.87 assists sa nakaraang season.
Samantala, haharap sa magkakaibang kalaban ang mga titleholders na San Mig Coffee, Talk N’ Text at Alaska Milk sa tatlong magkakaibang lungÂsod para sa PBA Season 39 na nakatakda sa Nobyembre 17.
Lalabanan ng GÂovernors Cup champ San Mig Coffee ang Barangay Ginebra sa Manila, habang makakatagpo ng Philippine Cup titlist Talk N Text ang Meralco sa Cebu at makakatapat ng Commissioner’s Cup ruler Alaska Milk ang Rain or Shine sa Davao.
Ilan pang innovations at landmark activities ang nakalatag para sa darating na season, kasama dito ang send-off para sa Gilas Pilipinas na sasabak sa 17th FIBA World Cup sa Spain.
Samatala, matapos ang malamyang kampanya sa nakaraang 2013 PBA Commissioner’s at Governors’ Cup ay nagdesisyon ang Barako Bull na sibakin si ‘active consultant’ Rajko Toroman.
Ito ay bagama’t may kontrata pa ang Serbian coach sa Energy hanggang sa susunod na taon.