Judiciary nakauna sa PNP

MANILA, Philippines - Nanumbalik ang tikas ng Judiciary sa huling yugto para talunin ang Philippine National Police (PNP), 80-76, sa Game One ng 1st UNTV Cup Finals noong Linggo sa Treston College Gym sa Global City, Taguig.

Nakitang lumamya ang laro sa ikatlong yugto dahilan upang mawala ang 13-puntos na kalamangan sa halftime at naging lima na lamang, 58-53, sinandalan ng Judiciary ang husay nina celebrity player John  Hall, John Herbert Bergonio at Frederick Salamat nang magsanib ang mga ito sa 15 puntos sa huling 10 minuto ng labanan.

Si Hall ay tumapos tag­lay ang 19 puntos at 13  rito ay ginawa sa second half upang pawiin ng Judiciary ang pagkakalimita lamang sa tatlong puntos sa huling dalawang periods ni 6’6 center Don Camaso.

Si Camaso ang na­ngu­na pa rin sa koponan sa kanyang 24 puntos at 10 boards habang nagsanib sina Bergonio at Sa­lamat sa 15 puntos para mabawian ng Judiciary ang PNP na naunang umani ng 92-89 overtime panalo sa elimination round.

Ang ikalawang laro sa best-of-three championship sa ligang inorganisa ng Breakthrough and Milestones Production Interna­tional sa pamumuno ni Chairman at CEO Da­niel Razon ay itinakda sa Nobyembre 5 sa Smart Araneta Coliseum.

Inangkin naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ikatlong puwesto sa 96-84 panalo sa PhilHealth sa unang laro.

Show comments