MANILA, Philippines - Sa taas niyang 6-foot-11 5/8, hindi na nakakagulat kung manguna si Greg Slaughter sa idinaos na biometrics measurement para sa mga draft applicants kahapon sa Hoops Center sa Mandaluyong.
Hindi lamang siya ang pinakamataas na player sa draft, si Slaughter din ang may pinakamahabang wingspan sa hanay ng 85 aspirante sa sukat na 85 inches.
Ang dating miyembro rin ng Ateneo Blue Eagles at Gilas Pilipinas ay may pinakamataas na vertical reach sa sinukat na 11 feet at six inches sa dalawang beses niyang pagtatangka.
Siya rin ang nagbuhat ng pinakamabigat na 100-pound bench presses sa 40 beses na pagbuhat.
Si Slaughter ang inaasahang hihirangin ng Barangay Ginebra bilang No. 1 overall pick sa 2013 PBA RooÂkie Draft na nakatakda sa Nobyembre 3 sa Robinson’s Place Manila sa Ermita.
Ang Filipino-American at dating Gilas trainee na si Justin Melton ay nagtala ng pinakamaraming pushups sa bilang na 104, habang si dating Far Eastern University shooter Paul Sanga ang nagposte ng pinakamaraÂming sit-ups sa bilang na 533 beses.
Si University of the PhiÂlippines guard Mark Lopez ang nagposte ng pinakamaraming pull-ups sa bilang na 53, samantalang apat lamang ang nagawa ni 2013 UAAP MVP Terrence Romeo.
Si Larry Rivera ang pinakamaliit na player na nasa draft sa sukat niyang 5’5 1/8 at may pinakamababang vertical leap sa 9’7 at 9’8 inches.
Si 6’7 Fil-Hawaiian hopeÂful Michael Usita naman ang pinakamabigat na player sa timbang niyang 301 pounds.