MANILA, Philippines - Tinapos ni Benjamin Rana Jr. ang dalawang taon na hindi nananalo sa Subic nang mamayagpag sa male elite sa TRI-United 3 kahapon sa Dungaree Beach sa Subic.
Naorasan si Rana ng 2:05:37 para hiyain ang hamon nina Mark Husana at Philip Atenta na nalagay sa pangalawa at pangatlo sa 2:11:00 at 2:13:58.
Huling panalo ni Rana ay noong 2011 sa isang National Age Group Triathlon.
Ang tatlo ay magkakaÂsama naman sa Unilab Active Health na siyang may palaro na inorganisa ng BIKEKING ni Raul Cuevas.
Pinakyaw ng mga lahok ng UAH ang tampok na karera dahil ang coach na si Ani Karina de Leon-Brown ang kampeon sa female elite sa 2:33:05 sa 1.5-km swim, 40-km bike at 10-km run distance.
Nakisalo sa mga nanalo ang tubong La Union na si Juan Carlos Abad at Chistianne de Vera na kampeon sa Teens caÂtegory na kalahati sa elite race. May bilis na 1:10:40 si Abad habang 1:37:13 ang nagawa ni De Vera na mag-aaral ng La Salle.