9 Cagayan boxers susuntok sa gold sa PLDT-ABAP slugfest
MANILA, Philippines - Pinagtibay pa ng host Cagayan De Oro ang paghahabol para maging pinakamahusay na deÂlegasyon sa idinadaos na 2013 PLDT-ABAP MinÂdanao Boxing Tournament sa Tourism Hall sa Cagayan de Oro City.
Ito ay matapos magpasok ng siyam na finalists ang dalawang koponan nang manalo sa semifinals ng iba’t-ibang weight classes.
Nanguna si Jeronel Borres sa mga nagpasiklab nang talunin si Gedeon America sa pamamagitan ng unanimous decision sa Youth Boys pinweight.
Naglalaro si Borres sa CDO-A at ang iba pang umabante sa nasabing delegasÂyon ay sina Carlo Paalam (Junior Boys Pinweight), Isagani Llaban (Youth Boys light flyweight), Markwil Salvana (Youth Boys lightweight), Shena Mae Jacinto (Junior Girls light flyweight) at Judelyn Casin (Junior Girls flyweight).
Tatlo naman sa CDO-B ang umusad at ito ay sina Mark Lumbad (Junior Boys light flyweight), Lorenz Labrada (Junior Boys light bantamweight) at Sugar Ray Ocana (Junior Boys bantamweight).
Palaban din ang PACMAN ng Saranggani ProÂvince nang nagpasok ng apat na boksingero na sina Renemark Cuart (Youth Boys pinweight), Bonie Lamberte (Junior Boys flyweight), Lanie Mingullian (Junior Girls pinweight) at Joan Sumilhig (Junior Girls flyweight).
Ang local team na Mindy’s ay may tatlo ring boksingero sa Finals habang nagpasok naman ng tig-isa ang delegasyon ng Gingoog City, Valencia City, Manolo Fortich from Bukidnon, Villanueva at Balingasag mula sa Misamis Oriental, GeÂneral Santos City, Aglayan ng Bukidnon, Camiguin, Lutayan ng Sultan Kudarat at MP Boxing Association.
Ang mga mananalo sa kompetisyong inorganisa ng ABAP at suportado ng PLDT at Philippine Sports Commission ay makakaÂsali sa National Finals na katatampukan din ng mga mahuhusay na boksingero mula Luzon at Visayas.
- Latest