MANILA, Philippines - Magsasanay sa Korea ang 51 kasapi ng SMART national taekwondo team bilang bahagi ng paghahanda sa SEA Ganes sa Myanmar sa Disyembre at sa iba pang malalaking torneo sa susunod na taon.
May 15 senior male at female ang nangunguÂna sa delegasyong kabibilaÂnganan din ng mga coaches na sina Jun Ho Ko, Roberto Cruz, Dindo Simpao at Dax Alberto Morfe.
Sina John Paul Lizardo at Kirstie Elaine Alora ang mga mangunguna sa mga beterano na sasamahan din nina Kristopher RoÂbert Uy, Christian Al Dela Cruz, Samuel Thomas Harper Morrison, Gershon Bautista, Paul Romero, Francis Aaron Agojo, Keno Anthony Mendoza, EddÂtone Bobb Lumasac, Mary Anjelay Pelaez, Jade Zafra, Jane Rafaelle Narra, Nicole Abigail Cham at Ma. Isabella Erika Mora.
Meron ding 20 juniors jins (12-male at 8-female) at 16 cadets (8-male at 8-female) ang kasama sa pagsasanay.
Ang mga seniors ay nagÂhahanda para sa SEAG habang ang juniors ay nagpeprepara sa 2014 Youth Olympic Games qualification tournament. Ang cadets ay ilalaban naman sa World Cadet Championships sa susunod na taon.
Habang nasa Korea, makikilaro rin ang mga Filipino jins sa iba’t ibang kompetisyon dito, tulad ng 1st Asian University Open championships sa Cheong Yang, Korea mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 4.
Ang pagsasanay na ito ay nangyari dahil na rin sa tulong ng SMART Communications Inc., MVP Sports Foundation, PLDT, TV5, Meralco at Philippine Sports Commission.