MIAMI--Matapos makapasok sa NBA Finals sa nakaraang tatlong taon na nagbunga ng dalawang sunod na korona, aasamin ng Miami Heat na maduplika ang nagawa ng Boston Celtics at ng Los Angeles Lakers.
Susubukan ng Heat na mapantayan ang tatlong dikit na kampeonato na kinuha ng Celtics noong 1957-66 at noong 1984-87 at ng Lakers noong 1982-85.
“It would mean everything, man,†sabi ni Heat forward LeBron James. “First of all, it means that I’m doing my part and I’m helping our team get better. It would mean everything to our team. That’s what we’re here for. We work our tails off every day. If it can pay off with another Finals appearance, we’d represent the Eastern Conference the best way we can.â€
Dalawang beses nagÂlaro sa Game 7 ng NBA Playoffs ang Miami.
Tinalo nila ang Indiana sa Game 7 sa East finals at tinakasan ang San Antonio sa Game 7 ng NBA Finals.
Ang three-point shot ni Ray Allen ang nagligtas sa Heat sa Game 6 kontra sa Spurs.
Bago ito ay nagtayo ang Heat ng isang 27-game winning streak sa regular season na ikalawang pinakamahaba sa NBA history.
“This has been a very competitive camp,†wika ni Heat coach Erik Spoelstra. “Guys are in here, working, every single day.â€
Samantala, sa Los AngeÂles, umiskor si Jordan Farmar ng 13 sa kanyang 20 points sa loob ng 3:17 minuto sa fourth quarter para igiya ang Los Angeles Lakers sa 108-94 preseason victory kontra sa Utah Jazz.
Tinapos ng Los Angeles (3-4) ang laro sa likod ng isang 11-0 run laban sa Jazz (1-5).
Sa iba pang resulta, pinataob ng Indiana Pacers ang Atlanta Hawks, 107-89; ginapi ng Detroit Pistons ang Washington Wizards, 99-96; pinayuko ng San Antonio Spurs ang Orlando Magic sa iskor na 123-101 at pinagulong ng Pheonix Suns ang Oklahoma City Thunder, 88-76.