Prolife Phils ilalarga ang Run Bike Live sa Dec. 8

MANILA, Philippines -  Idaraos ng Prolife Phi­­lippines at ng SM City Marikina ang Run Bike Live sa Disyembre 8 at inaasahang dadagsain ng mga partisipante ang run and bike fund-raising event na magsisimula at magtatapos sa SM City Marikina.

Patuloy ang pagpapatala at inaasahan ng nag-oorganisang Eventologists ang higit sa 5,000 kalahok para sa adbokasiya ng pro-life group na pinamumunuan nina Eric Manalang at Willy Arcilla.

Para sa detalye ay tumawag sa 733-7027, 0928-3900-039, 0917-2753818 o sa fax 734-9425 o sa email life@prolife.org.ph at sa eventologist@ymail.com.

Ang SM City Marikina management ay naglagay ng isang registration booth sa ground floor para sa mga lalahok sa event na itinataguyod ng Burlington Socks at Booster Energy Drink.

 Ang P300, P350 at P250 donations ay may kapalit na event singlet at race/bike bib, event jersey at race/bike bib at event t-shirt at race/bike bib, ayon sa pagkakasunod.

Ang pondo sa event ay mapupunta sa educational campaigns at proyekto ng Prolife Phils. Foundation.

Show comments