MANILA, Philippines - Nasa kanilang mga kamay na ang pagkakataon para makuha ang korona ng 2013 PBA Governors’ Cup.
Kaya naman sinabi ni two-time PBA Most ValuaÂble Player James Yap na hindi na nila pakakawalan ang tsansang makamit ang kanilang ika-10 PBA championship.
“Talagang pipiliÂtin na naming kunin ito sa WedÂnesday,†wika ni Yap sa 3-2 bentahe ng San Mig Coffee laban sa Petron Blaze sa kanilang best-of-seven championship series.
Nanggaling ang Mixers sa 1-2 agwat sa serye bago manaig sa Game Four, 88-86, noong Biyernes at sa Game Five, 114-103, noong Linggo.
Sa tagumpay ng San Mig Coffee sa Game Five, humugot si Yap ng pito sa kanyang 14 points sa kruÂsyal na fourth quarter, habang umiskor si PJ Simon ng 10 sa kanyang 17 markers.
Aminado si Yap na hindi basta-basta ibibigay ng Petron ang panalo sa kanila sa Game Six bukas sa Smart Araneta Coliseum.
“Ganoon talaga eh, kapag malapit ka na sa dulo doon ka pa maghihirap na kunin kasi alam naman natin ang Petron, talagang patayan ‘yan eh,†sabi ni Yap.
“I’m sure sa Wednesday talagang gagawin ng dalawang teams ang lahat para manalo. Mas magiging physical and aggressive din sila,†dagdag pa ng dating pambato ng University of the East Red Warriors sa Boosters.