Shakey’s V-League Finals sa GMA News TV

MANILA, Philippines -  Live na masasaksihan sa GMA News TV Channel 11 ang pinaka-aabangang Shakey’s V-League Season 10 Open Conference Finals sa pagitan ng Cagayan Valley Lady Rising Suns at Smart-Maynilad.

Mapapanood ang Game 1 ng champion­ship series ngayon, habang ang Game 2 naman ay sa Linggo, October 20.

Kaabang-abang ang magiging tapatan ng dalawang koponan na kapwa binubuo ng mga mala­lakas na beterano at former collegiate players.

Kabilang sa Smart-Maynilad ang mga Ateneo stars na sina Alyssa Valdez, Sue Roces at Charo Soriano, Maru Banaticla ng UST, Melissa Gohing ng La Salle, Mica Guliman at Gretchel Soltones ng San Sebastian at dalawa sa mga top setters na sina Rubie de Leon at Jem Ferrer.

Bago ang finals na sasahimpapawid ng alas-2 ng hapon sa GMA News TV, mapapanood muna ang laban sa pagitan ng Philippine Airforce at Philippine Army para sa 3rd place.

Show comments